Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga riding-in-tandem suspects sa Barangay Malangit, Pandag, noong January 14, 2026.

Ayon sa ulat mula sa Pandag Municipal Police Station (MPS), ang biktima na si Mando Tao alias “Raymart”, 30-anyos, kasal at residente ng Barangay Lipao, Datu Paglas, Maguindanao, ay sakay ng kanyang Bajaj Kawasaki 100, kulay asul at itim, nang bigla siyang sundan at pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo na walang plaka.

Nangyari ang insidente habang nagpapatrolya ang mga personnel ng Pandag MPS sa checkpoint sa provincial road ng Barangay Malangit. Agad tumugon sa ulat ang mga pulis na pinangunahan ni PCMS Abdulbasit Alano Guiaber Bansawan, MESPO, sa ilalim ng superbisyon ni PCPT Joseph Cire M. Galarpe, ACOP, ngunit hindi na nila nahabol ang mga suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon, tinamaan ng bala ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan, na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay. Nasamsam sa crime scene ang apat na fired cartridge cases na hindi pa natutukoy ang caliber.

Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo ng krimen at pinapakinggan ang mga posibleng saksi upang matukoy ang mga suspek.

Pinapayuhan ang publiko na makipag-ugnayan sa Pandag MPS kung may impormasyon tungkol sa insidente upang makatulong sa agarang pagkakakilanlan at pagdakip sa mga suspek.on sa nasabing krimen.