Bumisita sa 6th Infantry (Kampilan) Division noong Enero 15, 2026 si His Excellency Suat Akgun, Chairman ng Independent Decommissioning Body (IDB), bilang bahagi ng kanyang pagsubaybay sa implementasyon ng peace process sa rehiyon.

Sinalubong si Akgun at ang kanyang delegasyon ni Brigadier General Ruben Patricio Amata, Assistant Division Commander ng 6ID, na kumakatawan kay Major General Jose Vladimir R. Cagara, Commander ng 6ID at Joint Task Force Central (JTFC).

Ayon sa mga ulat, layunin ng pagbisita na ipakita ang papel ng IDB sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong matulungan ang mga dating combatant ng MILF na makabalik sa normal at produktibong buhay sibilyan.

Ang IDB, na itinatag ng Gobiyerno ng Pilipinas (GPH) at MILF, ang nangangasiwa sa decommissioning o pagbabalik-loob ng pwersa at armas ng MILF bilang bahagi ng normalization framework na nakasaad sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).

Dumalo rin sa pulong si Member of Parliament Jannati Mimbantas, Commander ng MILF North Eastern Mindanao Front, na nagpapatibay sa pagsisikap para sa isang mapayapa at maunlad na hinaharap sa Gitnang Mindanao.

Ayon sa IDB, ang pagbisita sa 6th Infantry Division ay naglalayong patatagin ang dedikasyon ng parehong GPH at MILF sa matagumpay na pagpapatupad ng CAB, na inaasahang magdudulot ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon ng Bangsamoro.

Photos from Kampilan Trooper Updates, Philippine Army