Nagpaabot ng malalim na pakikiramay ang Moro Islamic Liberation Front – Ad Hoc Joint Action Group (MILF-AHJAG) sa pamilya, mga kamag-anak, at mga kasamahan ng yumaong si Hamza Sangki Kindo, kilala rin bilang “Kumander Tuabak”, 1st Brigade Commander ng 118th Base Command. Siya ay pumanaw matapos ang isang hindi inaasahang insidente sa Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Ayon sa pahayag ng MILF-AHJAG, iginagalang nila ang serbisyo ni Kumander Tuabak at naninindigan sa pakikiisa sa kanyang pamilya at sa buong organisasyon sa panahong ito ng pagluluksa.

Binanggit din sa pahayag ang talata mula sa Qur’an bilang paalala sa pananampalataya sa gitna ng trahedya:

“And We will surely test you with something of fear and hunger and a loss of wealth and lives and fruits, but give good tidings to the patient, who, when disaster strikes them, say, ‘Indeed we belong to Allah, and indeed to Him we will return.”” (Surah Al-Baqarah, 2:155-156).

Nawa’y magdala ang banal na paalaala ng pagtitiis at kapayapaan sa pamilya ng namayapa. Ipinapanalangin din ng MILF-AHJAG na pagkalooban sila ng lakas at pasensya, at nawa’y tanggapin ng Allah ang kaluluwa ni Kumander Tuabak sa Kanyang awa at pagkalooban ng lugar sa Jannah.