Nagsagawa ang 34th Infantry (RELIABLE) Battalion, 1st Infantry (TABAK) Division ng Philippine Army, sa ilalim ng operational control ng JTFC/6ID, nitong Enero 14, 2026 ng send-off ceremony, kasabay ng pagdeklara sa ilang munisipalidad bilang CTG/LTG-free at ang turnover ng mga boluntaryong isinukong armas. Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na programa ng pamahalaan laban sa lokal na armadong tunggalian sa pamamagitan ng whole-of-nation approach.

Dumalo sa aktibidad sina BGen. Ricky P. Bunayog, Commander ng 602nd Infantry (Liberator) Brigade, 6ID; Hon. Sittie C. Antao-Balisi at Hon. Rosalie H. Cabaya ng Cotabato Province; Hon. Datu Tucao O. Mastura, Gobernador ng Maguindanao del Norte; Hon. Rolando C. Sacdalan, Mayor ng Midsayap; Hon. Angel Rose L. Cuan, Mayor ng Libungan; Hon. Arlene B. Aliasis, Mayor ng Banisilan; Hon. Victor S. Sacdalan, Acting Mayor ng Alamada; Hon. Datu Rhenz M. Tukuran, Mayor ng Nabalawag, SGA-BARMM; Hon. Datu Umbra Ramil Dilangalen, Mayor ng Northern Kabuntalan, Maguindanao del Norte; PCOL Victor G. Rito, Provincial Director ng PPO Maguindanao del Norte; at PCOL Jerson B. Birrey, Acting PD ng PPO North Cotabato. Kasama rin ang mga hepe ng pulisya at civic groups mula sa nasabing mga munisipalidad.

Ayon sa mga awtoridad, ang deklarasyon ng CTG/LTG-free municipality ay batay sa resulta ng mga security operations at koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan.

Ang pagsuko at turnover ng mga loose firearms ay isinagawa bilang bahagi ng umiiral na mekanismo ng pamahalaan para sa pagbawas ng armas sa mga komunidad.

Ang send-off ceremony ay kaugnay sa paglipat ng 34IB sa susunod nitong area of operation matapos ang halos sampung taong pananatili sa nasasakupan ng 602nd Infantry Brigade.

Sa ngayon, inaasahang magpapatuloy ang pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo at programang pangkabuhayan ng mga ahensya ng pamahalaan sa mga lugar na idineklarang CTG/LTG-free, habang nagpapatuloy rin ang koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan, pulisya, at militar para sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa mga komunidad.

Source: Reliable Battalion