Mismong si Ministry of Human Settlement and Development o MHSD Minister Atty Hamid Aminoddin Barra kasama sina MHSD -BARMM Director General Ustadz Esmael W. Ebrahim, Butch Malang at BM Mohammad “Kellie” Antao ang turn-over ceremony ng 100 na pabahay at lupa ang nanguna sa turn over ng 100 units resettlement Housing sa Barangay Kadayangan at Nabalawag, Special Geographic Area-BARMM noong August 12, 2024.

Ayon kay Atty. Barra, tuloy tuloy ang kanilang proyektong pahahay sa buong Rehiyon ng Bangsamoro alinsunod sa kautusan ni BARMM Chief Minister Ahod Balawag Alhadj Murad Ibrahim kung saan benepisyaryo ng ang mga anak ng mga Mujahideen, mga biyudo at biyuda ng Mujahideen kasama na ang mga naulila ng mga Mujahideen na nakibaka noon upang makamit ang matagal nang inaasam na Kapayapaan .

Kaugnay nito nagbigay ng mensahe ng pasasalamat sina Kadayangan OIC Mayor Prof. Duma Mascud at Nabalawag OIC Mayor Dr. Anuwar Saluwang gayon din ang mga benepisyaryo ng nasabing mga Bayan.