Naglabas ng sama ng loob ang Ilongga beauty queen na si Rabiya Mateo kagabi, Enero 16, kasunod ng online bullying na naranasan niya dahil sa isang simpleng post kung saan ipinakita niya kung saan siya puwedeng kumain dito sa Iloilo City.
Sa kanyang social media post, ibinahagi rin ni Rabiya na noong 2025 ay na-diagnose siya ng Major Depressive Disorder with Anxious Distress.
Kasama sa ipinakita niya ang medical certificate mula sa isang adult at pediatric psychiatrist na may petsang Enero 7, 2025. Nakasaad sa certificate na kailangan munang magpahinga ng aktres sa kanyang professional duties upang masiguro ang “complete recovery.”
“Everyday was a struggle to survive. I almost deactivated everything and disappear to have a quiet and peaceful life. I fought hard and still fighting up until now,” ayon sa beauty queen-turned-actress.
“You don’t know how little kindness mean to a depressed person like me and how your words can push me to do something else,” dagdag pa niya.
Sa isa pang post, sinabi ni Rabiya na wala siyang plano na isapubliko ang kanyang depresyon. Ayon sa kanya, matagal na niya itong pinananatili sa sarili, at matagal rin niya itong pinaglabanan. Ngunit naibunyag ito dahil sa nangyaring bullying.
“I planned to keep my depression to myself. Years of battling it every day. Years of trying to keep myself together. Bullying needs to stop now. It causes harm more than you ever know,” ayon sa Miss Universe 2020.
Binanggit din niya ang Kindness Campaign na naging mas kilala noong 2025 kasunod ng pagkamatay ni Emman Atienza.
Si Emman ay ang actress-influencer na anak ni Kuya Kim Atienza. Isang advocate ng mental health campaign, ngunit natagpuang patay sa kanyang apartment sa Santa Monica, California. Dahil sa pangyayaring ito, pinaalalahanan ang publiko na maging mas sensitibo, lalo na sa online platforms.
“Remember when we lost Emman Atienza? Dami sa inyo ang nag-post para magpakalat ng kindness and love. Pero kayo ang number 1 mang-bully ng kapwa niyo. Your words can kill. Tandaan niyo na, please,” ayon kay Rabiya.
Ang mga post ng aktres ay kasunod ng mga komento sa kanyang naunang tanong sa Facebook na: “Iloilo na! Where to eat?” Bagama’t may mga sweet at maayos na komento, may ilan ring nag-bash at naglabas ng masasakit na salita kay Rabiya.
Dahil dito, nag-post pa ang Ilongga queen: “I am always proud to be an Ilongga. Gin-ubra ko guid best ko to represent syudad ta. Pero daw sobra2 naman ni baba sang iban nga tawo. Dugay nako gahipos. Permi nalang guid kamo ya.”
Alam na si Rabiya, na tubong Balasan, ay kasalukuyang nasa Iloilo City dahil siya ang magiging judge sa Miss Iloilo 2026 grand coronation night ngayon sa WVSU Cultural Center.
Matatandaan na ipinanganak ang kanyang karera sa Iloilo City nang siya ay maging Miss Universe Philippines 2020. Matapos makuha ang korona, ipinakita niya ang Pilipinas sa international stage at nagtapos bilang top 21 semifinalist.

















