Umabot na sa 32 katao ang kumpirmadong nasawi sa pagguho ng bundok ng basura sa Binaliw landfill, Cebu City.

Ayon sa pinakahuling ulat, nananatiling may nawawala habang nagpapatuloy ang search, rescue, at retrieval operations.

Naitala rin ang 18 sugatan mula sa insidente na agad dinala sa mga ospital para sa gamutan.

Noong Enero 13, idineklara ng Cebu City Council ang state of calamity upang mapabilis ang pagresponde at pagbibigay ng ayuda.

Kasunod nito, naglabas ang DENR-Central Visayas ng cease-and-desist order laban sa Prime Integrated Waste Solutions, Inc., operator ng landfill, habang iniimbestigahan ang sanhi ng trahedya.

Idineklara rin ng lokal na pamahalaan ang Enero 16 bilang Day of Mourning para sa mga biktima.

Itinuturing ng mga labor groups at waste workers’ alliances ang insidente bilang isang “man-made disaster” na dulot ng kapabayaan at mahinang pamamahala sa basura.