Isang wala nang buhay na katawan ng isang lalaki ang natagpuan sa Sirio Nangkal, Zone 8, Barangay Cawit, Zamboanga City.

Base sa impormasyon, nadiskubri umano ng mga residente ang isang bangkay sa masukal na bahagi ng lugar.

Sa isinagawang follow up investigation ng Zamboanga City Police, napag-alaman na isang Relly Sanchez, 25 anyos, residente ng Campostella Valley, Davao de Oro ang biktima na umanoy nagtatrabao sa di na pinangalanang kompanya sa Tawi – tawi.

Tinitingnang anggulo ng mga kapulisan ang nangyaring pagtanan nito sa kanyang nobya na umano’y tinutulan ng pamilya ng babae.

Possible umanong sinalvage ang biktima dahil nakitaan na may entry point ng bala ng baril sa leeg at ulo ng biktima bago ito dinala sa masukal na damo.

Patuloy ngayong tinutugis ng Zamboanga City Police Station 9 ang responsable sa pagpatay, habang inaantay pa ang pamilya ng biktima mula sa Davao de Oro para kunin ang mga labi nito.