MGA SAKAY NG NAWAWALANG MOTOR BANCA SA DAVAO GULF, INILABAS; ISA, NATAGPUANG LIGTAS
Inilabas ng mga awtoridad ang listahan ng 15 sakay ng motor banca “Amejara” na iniulat na nawawala sa Davao Gulf matapos itong huling mamataan sa karagatan ng Davao Occidental noong Enero 19, 2026.
Ayon sa Philippine Coast Guard Station Davao Occidental, sakay ng bangka ang 11 pasahero at 4 na tripulante, sa pangunguna ng boat captain na si Patrociono Genita III.
Sa pinakahuling update, natagpuang ligtas ang isa sa mga sakay, na kinilalang si Christopher Tecson Bulig. Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation para sa 14 pang nawawalang sakay.
Narito ang kumpletong listahan ng mga sakay ng motor banca Amejara:
1. Patrociono Genita III – Boat Captain
2. Christian Genita
3. Homer Bolasa
4. Christopher Tecson Bulig – natagpuan na
5. Lanorias Porferio
6. John Julius Alcain
7. Jessie Tan
8. Jaime Tan
9. Steven Tan
10. Hector Emberga
11. Eariano Uyking
12. Anton Banzali
13. Levi Tao
14. Herwin Tan
15. Ace Cortez
Muling nanawagan ang Philippine Coast Guard sa mga mangingisda, kapitan ng barko, at iba pang sasakyang pandagat sa Davao Gulf at mga karatig-dagat na lugar na maging mapagmatyag at agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad kung may makikitang palatandaan ng nawawalang bangka o mga sakay nito.
Patuloy ang monitoring at masinsinang paghahanap ng mga awtoridad habang wala pang karagdagang detalye kaugnay ng kalagayan ng iba pang nawawala.

















