Naaresto ng mga pulis sa Lamitan City ang isang lalaking pinaghihinalaang sangkot sa panghahalay sa isang 16 anyos na dalagita na may kapansanan sa Colony Cemetery, Barangay Colonia, Lamitan City, nitong gabi ng Enero 18, 2026.
Kasalukuyan nang nasa kustodya ng Lamitan City Police Station ang di-pinangalanang suspek upang isailalim sa dokumentasyon, inquest, at paghahanda sa pagsasampa ng kaso sa piskalya kaugnay ng paglabag sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law.
Pinapurihan naman ni PRO-BAR Regional Director PBGen. Jaysen De Guzman ang mabilis na koordinasyon ng kapulisan at ng mga opisyal ng barangay, at binigyang-diin ang matibay na pananagutan ng PNP sa pagpapatupad ng proteksyon sa mga menor de edad laban sa anumang uri ng pang-aabuso at paglabag sa kanilang karapatang pantao.














