Pinirmahan ni Chief Minister Abdulraof A. Macacua ang Bangsamoro Autonomy Act No. 86 o Bangsamoro Parliamentary Districts Act, isang mahalagang hakbang para sa pagpapalakas ng demokratikong pamamahala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Itinatag ng batas ang opisyal na mga parliamentary districts ng Bangsamoro, na nagbibigay ng malinaw at maayos na representasyon para sa kauna-unahang regular na Bangsamoro parliamentary elections batay sa mga prinsipyo ng populasyon, umiiral na hangganan, at accessibility ng heograpiya.
Binigyang-diin ni Chief Minister Macacua na ang pagpirma ng batas ay nagpapakita ng commitment ng Bangsamoro sa moral na pamamahala, responsable at accountable na liderato, at sa pagpapatuloy ng peace process, kung saan ang boses ng mamamayan ay malinaw na kinakatawan.
Pinatitibay din ng Bangsamoro Autonomy Act No. 86 ang mga institusyon na mahalaga sa self-governance at nagpapatunay sa determinasyon ng rehiyon na bumuo ng maayos, patas, at payapang parliamentary system para sa kasalukuyan at hinaharap na henerasyon.















