Patuloy na nanawagan ang Pamahalaang Lungsod ng Cotabato sa mga magulang at tagapangalaga na tiyaking ligtas ang kanilang mga anak sa tigdas at rubella sa pamamagitan ng Measles Rubella Supplemental Immunization Activity o MRSIA.
Layunin ng MRSIA na mabigyan ng bakuna ang humigit-kumulang 18,000 batang limang taong gulang pababa sa lungsod upang maprotektahan sila laban sa seryosong karamdaman na dulot ng tigdas at rubella, habang binigyang-diin ng City LGU na ang mga bakunang itinuturok ay ligtas, epektibo, libre, at garantisado bilang bahagi ng pangkalahatang pangangalaga sa kalusugan ng mga bata.
Sa pangunguna ng City Health Office at katuwang ang mga Barangay Health Workers at mga boluntaryo, isasagawa ang pagbabakuna sa mga pasilidad pangkalusugan, paaralan, at mismong sa mga barangay upang matiyak na walang batang mapag-iiwanan sa programa.
Patuloy na hinihikayat ng Cotabato City LGU ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak sa pinakamalapit na vaccination posts upang mapanatiling ligtas, malusog, at protektado ang bawat batang Cotabateño.
















