Magiging bukas na sa mamamayang bangsamoro ang mga pagdinig ng Bangsamoro Transition Authority Parliament Committee on Finance, Budget and Management.

Ito ang pahayag ni Member of Parliament at committee chair Atty. Kitem Kadatuan Jr. sa isang pulong balitaan kung saan ipinaliwanag niyang layon ng hakbang na maipakita sa publiko ang mga tinatalakay at ikinikilos ng komite sa loob ng parlamento.

Ayon kay Kadatuan, handa rin siyang suportahan ang anumang kahalintulad na panukala na magpapalawak pa sa partisipasyon ng publiko sa mga gawain ng Bangsamoro Parliament.

Dagdag pa niya, mahalaga ang pagbubukas ng mga pagdinig upang maiwasan ang disinformation at maling propaganda kaugnay ng pagbalangkas ng mga polisiya, paglalaan ng pondo, at paggasta ng badyet sa buong rehiyon.