Ipinahayag ni North Cotabato Governor Lala Mendoza ang taos puso nitong suporta sa sector ng industriya ng palm oil kasabay ng pagbubukas ng dalawang araw na 13th National Palm Oil Congress na ginanap sa Grand Regal Hotel sa lungsod ng Davao.
Sinabi nito na sa pagsisikap ng pamahalaan, natutugunan nito ang pangangailangan ng mga maguuma ng Palm Oil sa pamamagitan ng mga pagsasanay na libre at pamimigay ng mga binhi. Batay sa datos ng Office of the Provincial Agriculturist, sa taong 2024 naglaan ang kapitolyo ng P40 milyong pisong pondo na gagamitin sa pamimigay ng 133,333 oil palm seedlings na itatanim naman sa 945.62 ektaryang sakahan ng 473 na kwalipikadong benepisaryo.
Ito ay maliban pa sa mga technical interventions, monitoring at market linkages na ibinibigay ng OPAg sa naturang mga maguuma at sektor.
Samantala, abot langit na pasasalamat naman ang ipinaabot ni PPDCI o Philippine Palm Oil Development Council Inc. President Erwin Anthony sa mga magsasaka sa industriya maging mga stake holders na nakiisa sa taunang pagtitipon.
Present din ang ibat-ibang mga nasa sektor kabilang na ang mga opisyales ng lalawigan at mga bayan ng North Cotabato at mga opisyales ng Pamahalaan.