Nilinaw ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG) na walang opisyal na partisipasyon o pahintulot ang kanilang mga empleyado sa Multi-Sectoral Peace Rally na isinagawa ng SAGIP Bangsamoro Movement for Moral Governance sa harap ng Bangsamoro Government Center, Cotabato City kahapon, January 26.

Ayon sa opisyal na pahayag ni MP Tomanda Antok, ang ilang BARMM employees ay nakipag-ugnayan lamang sa mga kalahok at tumanggap ng mga food pack nang biglaang pagkikita, ngunit hindi ito ipinapakita ang opisyal na posisyon ng Bangsamoro Government.

Binanggit ni Antok na ang mga empleyado ay hindi alam ang pagdaraos ng rally, at ang kanilang aksyon ay isang humanitarian response batay sa training sa rescue at emergency response, at personal na malasakit sa mga kaibigan at kakilala sa rally.

Linaw rin sa pahayag na ang rally ay nakatuon sa Bangsamoro Parliament at hindi sa Ministries, at walang instruction, approval, o sanction mula sa MILG ang naibigay kaugnay nito upang maiwasan ang maling interpretasyon o disinformation.