Kinumpirma ni Lt. Col. Ronald E. Suscano, Spokesperson ng 6th Infantry “Kampilan” Division, na may sundalong nasugatan sa engkwentro sa Sitio Bagurot, Barangay Tuayan Mother, Datu Hoffer Ampatuan noong umaga ng Enero 27. Ayon sa opisyal, nasa maayos na kalagayan na ang nasugatang sundalo matapos makatanggap ng agarang lunas.

Samantala, isa sa mga unang elemento ng 90th Infantry Battalion ang nasawi sa nasabing sagupaan. Ang katawan ng nasawing sundalo ay inaayos na at nakatakdang i-turn over sa kanyang pamilya sa President Quirino, Sultan Kudarat.

Patuloy pa rin ang clearing operations ng militar sa nasabing lugar upang matiyak ang seguridad at maalis ang banta ng armadong grupo.

Binibigyang kapanatagan ng mga awtoridad ang mga residente, na maaari nang unti-unting bumalik sa kanilang mga tahanan habang nagpapatuloy ang monitoring sa paligid upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan.