Isinagawa kamakailan ng Bangsamoro Board of Investments (BBOI) ang isang courtesy visit para salubungin ang grupo ng Malaysian investors na interesadong tuklasin ang mga potensyal na oportunidad sa pamumuhunan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa nasabing pagbisita, naipakilala ng BBOI ang lumalaking investment landscape ng rehiyon, kabilang ang mga priority sectors at ang mga kalamangan ng BARMM kumpara sa ibang lugar. Tinalakay din ang mga oportunidad sa mahahalagang industriya at ang kahandaan ng rehiyon na makipag-ugnayan sa mga international partners sa pamamagitan ng mga investor-friendly na polisiya at suporta para sa mga mamumuhunan.

Ayon sa BBOI, layunin ng ganitong pakikipag-ugnayan na hikayatin ang mas maraming dayuhang pamumuhunan sa BARMM, palakasin ang lokal na ekonomiya, at magbukas ng bagong oportunidad para sa trabaho at negosyo sa rehiyon.