Ayon kay PBGen Jaysen C. De Guzman, Regional Director ng PRO BAR, ang pangkalahatang antas ng krimen sa rehiyon, kabilang ang robbery at theft, ay nananatiling mababa kumpara sa ibang rehiyon. Bagama’t may ilang insidente ng pamamaril, hindi pa rin nangunguna ang BARMM sa ganitong mga kaso.

Ipinapakita ng datos ang downtrend sa crime rate, patunay na patuloy na bumubuti ang peace and order.

Aniya, sa bawat command conference ay nire-report ang performance ng mga personnel at patuloy na mino-monitor ng General Police Leadership Team ang seguridad sa buong rehiyon bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra krimen.