Niyanig ng lindol ang lugar ng Offshore Sultan Kudarat area ngayong hapon.

Sa datos ng Phivolcs SKMP as of 4pm naitala ang 1,646 na pagyanig ng lupa, 504 ang plotted at sa nasabing plotted, 63 ang naramdaman.

Ang nasabing pagyanig ay may magnitude range na 1.1 hanggang 5.7 magnitude.

Intensity 3 ang naramdamang pagyanig sa mga bayan ng Datu Saudi Ampatuan at Datu Piang at Intensity 4 naman sa bayan ng Buluan.

Pinapayuhan naman ang mga mamamayan na maging alertado sa mga aftershocks.