Ipinagutos sa kapulisan ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang patas, malinis at walang bahid na imbestigasyon sa pagkakakita ng granada sa kapihan na pagmamay-ari ni Former Interior Minister Atty. Naguib Sinarimbo.
Ayon kay Matabalao, kinakailangang mapanagot ang sinumang nasa likod ng insidente at malaman ang totoong motibo ng naturang insidente. Isa pa sa gustong malaman ng alcalde ay kung may naghagis o nagtanim ng granada sa nasabing lugar. Maliban anya sa pulisya sa syudad, nakipagugnayan na din si Matabalao sa NBI, CIDG maging sa AFP para mas mapabilis at matutukan aniya ang imbestigasyon.
Kasalukuyan din aniyang mas pinapalalim ng PNP ang imbestigasyon sa insidente. Samantala tiwala naman ang alkalde ng siyudad na walang epekto sa kapayapaan at kaayusan ng siyudad ang insidente.
Ayon kay Matabalao, di nila minamaliit bagkus siniseryoso ng kanyang pamahalaan ang mga malalaki o maliliit na krimen sa siyudad. Marami din umano ang nagpahayag ng kanilang pagkatuwa sa uri ng serbisyo na ibinibigay ngayon ng kapulisan sa lungsod sa pamumuno ni City Director Joel Estaris.