Naibalik na sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)–BARMM ang Person Deprived of Liberty (PDL) na si Jason Kasan Maulana, alyas “Bombo” o “Dumbo S. Sanguan,” na napaulat na tumakas mula sa Cotabato City Jail noong Enero 27.
Ayon sa mga awtoridad, natunton ang kinaroroonan ng PDL matapos ang isinagawang koordinasyon sa mga opisyal ng barangay at sa kanyang mga kaanak, na humikayat sa kanya na sumuko upang maiwasan ang mas malalang sitwasyon.
Matapos ang pakikipag-ugnayan, sinundo ng mga tauhan ng BJMP ang nasabing preso at ibinalik sa pasilidad para sa kaukulang proseso.
Sa ngayon, patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad kung paano siya nakalabas ng male dormitory ng Cotabato City Jail, habang nire-review ang mga umiiral na security measures upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.
Patuloy ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na makipagtulungan at mag-report ng anumang kahina-hinalang aktibidad para sa mas mabilis na pagtugon sa mga ganitong insidente.

















