Habang pauwi mula Barangay Rosary Heights 9, binaril si Johari, 23 taong gulang, residente ng Purok Balabaran, at tinamaan sa kanyang puwet ng isang hindi pa nakikilalang suspek gamit ang caliber .45 na baril. Narekober sa lugar ang mga empty shells bilang patunay ng insidente.

Agad na dinala ang biktima sa Cotabato Regional Medical Center (CRMC) para sa agarang lunas. Ayon sa mga saksi, walang narinig na putok ng baril habang nagaganap ang insidente.

Rumesponde ang mga tauhan mula PS2, CMFC, at 1404th RMC at nagsagawa ng dragnet operation upang tuklasin at mahuli ang suspek/s. Pinairal din ang lockdown protocols sa mga kalapit na Police Visibility Points (PVPs).
Napag-alaman na ang biktima ay dating Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Cotabato City Jail dahil sa mga kasong pagnanakaw at may kaugnayan sa droga. Pinaniniwalaang ang motibo ng pamamaril ay may kaugnayan sa droga at personal na alitan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang makalap ng karagdagang impormasyon, matukoy ang suspek/s, at maisagawa ang posibleng pag-aresto.