Patuloy na naaapektuhan ng easterlies ang Mindanao, ayon sa pinakahuling weather bulletin.

Dahil dito, inaasahang makararanas ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms.

Nagbabala ang mga awtoridad na posibleng makaranas ng flash floods at pagguho ng lupa bunsod ng katamtaman hanggang sa minsang malalakas na pag-ulan, lalo na sa mga mababang lugar at bulubunduking bahagi ng rehiyon.