Nadagdagan pa ang mga kaso ng nakamamatay na Dengue na naitatala ng Cotabato Regional and Medical Center.
Ito ay sa tala na inilabas ng pamunuan kahapon.
Mula sa 764 na kasong naitala mula sa buwan ng Enero hanggang nitong nakaraang linggo, 779 na ang kabuuang naitala na kaso sa pagamutan kahapon.
Sa ngayon, (9) siyam pa ang patuloy na ginagamot.
Sa talaan ng CRMC, 16 na indibidual mula sa 779 na naitalang kaso ang patay habang nakapagtala ng 332 sa lungsod ng Cotabato, 368 sa Maguindanao, 8 sa Lanao Sur, 45 sa Cotabato Provinces at 26 sa Sultan Kudarat.
Sa ngayon, nagpapaalala naman ang CRMC sa mga mamamayan na ugaliing maglinis ng mga bakuran at magtapon o magtakip ng mga nakaimbak na tubig na maaring pangitlugan ng mga lamok na nagdadala ng dengue fever