Nasawi ang dalawang lalaki matapos silang pagbabarilin sa Sitio Dacumoya, Brgy. Mamasapano, bandang alas-10 ng gabi noong Pebrero 25, 2026.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga nasawi na sina Gohan Bayaw at Lalang Masulot, parehong nasa hustong gulang at mga magsasaka na residente ng nasabing sitio.

Ayon sa imbestigasyon, sakay ang dalawa ng asul na Kawasaki Fury na walang plaka nang pagbabarilin sila ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operations ang pulisya, sa pakikipag-ugnayan sa mga kalapit na istasyon ng pulis, pati na rin sa 34th Infantry Battalion at iba pang kaalyadong pwersa sa lugar, upang matunton ang suspek.