Arestado ng Tracker Team ng Police Station 3 ang isang babae na kilala bilang “Raihan” matapos isagawa ang Manhunt Charlie Operation ngayong araw Marso 5, 2026, bandang 12:10 PM sa Purok Nara, Mother Barangay Tamontaka, Cotabato City.
Pinangunahan ni PCPT Kenneth Van A. Encabo ang operasyon kasama ang RACU BAR na nagresulta sa agarang pagkakaaresto ng suspek. Ang pag-aresto ay base sa Warrant of Arrest kaugnay sa kasong Grave Threats sa ilalim ng Article 282(1) ng Revised Penal Code, na isinagawa sa pamamagitan ng paggamit ng Information and Communication Technology alinsunod sa Section 6 ng Republic Act No. 10175, o mas kilala bilang Cybercrime Prevention Act of 2012.
Inilabas ang warrant ng pagkakaaresto sa ilalim ng Criminal Case No. 2026-0126 ni Hon. Isah J. Echem-Tangonan, Presiding Judge ng Regional Trial Court, 10th Judicial Region, Branch 33, Butuan City, Agusan del Norte, noong Pebrero 23, 2026.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matiyak ang pagpapatupad ng batas laban sa cybercrime at mapanatili ang seguridad ng mga mamamayan sa Cotabato City.

















