IPINAMALAS muli ni Al-Hafidh Muzaher Suweb Bito ang kanyang kahusayan sa larangan ng Qur’an Memorization matapos nitong masungkit ang 2nd place sa ginanap na 44th King Abdulaziz International Qur’an Competition Memorization and Recitation sa Saudi Arabia.
Nitong Marso, kung maalala, una ng nag-uwi ng karangalan sa Pilipinas si Bito nang selyuhan nito ang Top 3 sa 27th Session ng Dubai International Holy Qur’an Contest na kung saan bilang bahagi ng pagpapahalaga ng Bangsamoro Government sa mga katulad ni Bito ginantimpalaan ito ni Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim ng monetary reward dahil sa kanyang natatanging galing at kakayahan.
Bukod pa sa karangalang uuwi ni Bito sa Pilipinas, mag-uuwi rin ito ng 190,000 riyal na katumbas ay ₱2,850,000.00 milyon.
Umani ng paghanga at pagbati ang bagitong Bito mula sa kanyang Ka-Bangsamoro na tunay ngang tinawag ito bilang “Bangsamoro Pride.”