Naaresto ng mga awtoridad ang isang Most Wanted Person (MWP) na kinilalang si alyas “Judith,” 57 taong gulang, sa isinagawang Manhunt Charlie Operation sa Sitio 8, Barangay Takepan, Pikit, North Cotabato noong Marso 11, 2026.

Isinagawa ang operasyon ng Tracker Team ng Pikit Municipal Police Station (MPS) kasama ang mga tauhan ng 2nd CPMFC North Cotabato, RIU12, RID12-STTE, CIDG PFU North Cotabato, at 1203rd MC RMFB12.

Inaresto ang suspek batay sa Warrant of Arrest para sa kasong Murder na may Criminal Case No. 26-028, na inilabas ni Hon. Kristopher A. Navales ng Regional Trial Court Branch 18 sa Midsayap, Cotabato noong Pebrero 10, 2026.

Ayon sa korte, walang inirekomendang piyansa para sa nasabing kaso.

Matapos ang pagkakaaresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal bago siya dinala sa Pikit MPS para sa tamang dokumentasyon at kaukulang disposisyon ng kaso.