Nadiskubre at nasamsam ng 76th Infantry (Victrix) Battalion ang 860 kilo ng hinihinalang shabu sa Paluan, Occidental Mindoro, habang dalawang Chinese nationals ang nahuli at nasa kustodiya ng mga awtoridad bandang alas-3 ng hapon noong Marso 10, 2026.

Ayon sa ulat, natagpuan ang malaking kargamento sa baybaying bahagi ng Sitio Agbalite, Brgy. Harrison.

Kasama sa nasamsam na kagamitan ang 43 sako ng puting kristal na tinatayang nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱6 bilyon, pati na rin ang isang Starlink satellite communication device at iba pang instrumento.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad upang maayos na maproseso ang mga nasamsam na ebidensya.

Ayon kay BGEN Melencio W. Ragudo, Commander ng 203rd Infantry “Bantay Kapayapaan” Brigade, nananatiling aktibo ang pakikipag-ugnayan ng militar sa iba’t ibang ahensya upang masugpo ang iligal na droga at mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa isla ng Mindoro.