Nadagdagan pa ang mga dating rebelde na sumailalim sa programang peace building ng Ministry of Public Order and Safety ng BARMM matapos na boluntaryong sumuko ang pitong mga kasapi ng BIFF Sa First Brigade Combat Team ng militar sa Pigcalagan, Sultan Kudarat, Maguindanao Norte.
Agad na nakatanggap ng limanlibong piso (5,000.00) na tulong pinansyal mula sa MPOS bilang suporta sa kanilang pagbabalik comunidad.
Ang mga ito ay magiging bahagi na ng peacebuilding program ng MPOS kung saan parte ng adbokasiya nito na gawing kasangkapan ang mga dating rebelde na nagbalik loob sa pagsulong ng kapayapaan sa kanilang mga komunidad.
Sa datos ng MPOS, aabot na sa pitongdaan (700) na mga dating insurgents mula sa ibat-ibang lalawigan ng BARMM ang kanilang natulungan sa pamamagitan ng programang peacebuilding.
Ang pitong bagong sumuko ay magiging prayoridad ng MPOS sa kanilang peace building interventions.
Pinasalamatan naman ni Sittie Janine Gamao, MPOS Peace Education Division Chief ang mga nagbalik loob dahil sa kanilang pasya na piliin ang landas ng walang hanggang kapayapaan.