Isang anti-illegal drugs operation ang naisagawa noong March 21, 2026, bandang alas-12:15 ng tanghali sa Purok Matinabanggong, Brgy. Lower Katingawan, Midsayap. Pinangunahan ito ng Midsayap Municipal Police Station (MPS) kasama ang kanilang partner units at sa pakikipagkoordina sa PDEA.

Arestado sa operasyon ang isang lalaki na kilala sa alyas na “Badol.” Nakuha sa kanya ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na 0.112 grams, tinatayang nagkakahalaga ng Php 761.60, pati na rin ang marked buy-bust money na Php 500.

Ayon sa ulat, maayos na naipaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan at isinagawa ang operasyon sa presensya ng mga required witnesses. Ang buong insidente ay naitala gamit ang Alternative Recording Devices. Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at haharap sa kaso ng paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.