Nagsimula na ngayong araw ang dalawang araw na aktibidad ng BARMM Dialogue na nilahukan ng mga kawani ng media at mga miyembro ng CSO’s na mula sa BARMM Region kaugnay sa ginagawang paghahanda para sa 2025 First BARMM Parliamentary Elections.
Ang aktibidad ay pinangungunahan ni Ms. Cynthia Guerra ng Westminster Foundation for Democracy.
Sa dalawang araw na aktibidad, buwena manong bisita ang COMELEC BARMM sa pangunguna ng direktor na si Atty. Ray Sumalipao na kinatawanan ni Atty. Mohammad Mutia at ilang mga election watchdogs upang magbigay ng ilang updates sa papalapit na halalan kabilang na ang gagawing information dissemination at ang filing ng COC sa darating na oktubre.
Nakatakda rin sa updates ang Automatic Counting Machine na gagamitin sa Mayo 2025.
Samantala, inaasahan na bibisita din ang beteranong mamamahayag ng TV5 Manila na si Ed Lingao upang magbahagi ng mga impormasyon at kaalaman hinggil sa kritikal na trabaho ng mga mamamahayag sa eleksyon.
Inaasahang maiuulat din sa aktibidad ang usapin ng kamag-anak incorporated o ang political dynasties maging ang pagiging balimbing sa partido ng ilang mga pulitiko. Sa lungsod ng Davao gagawin ang aktibidad.