Muling umarangkada ang presyo ng produktong petrolyo ngayong Linggo dahil sa nagpapatuloy na ika-apat (4) na Linggo nang digmaan sa Middle East ayon sa Department of Energy (DOE).Mga Kotse at Sasakyan
Batay sa pagtataya mula Martes, Marso 24 hanggang Marso 30, maaaring tumaas ang presyo ang diesel sa higit P130 kada litro, habang ang gasolina naman ay tataas nang lampas P100 kada litro.
Ayon sa DOE, ang mga sumusunod na pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo ay sisirit ngayong Linggo:
Gasolina: P8 hanggang P12 kada litro na dagdag
RON 97: Mula sa P87.69 hanggang P112.40 kada litro na dagdag
RON 95: Mula sa P83.10 hanggang P109.78 kada litro na dagdag
RON 91: Mula sa P82.60 hanggang P102.50 kada litro na dagdag
Diesel: P15 hanggang P18 kada litro na dagdag
Standard Diesel: Mula sa P107 hanggang P134.30 kada litro na dagdag
Diesel Plus: Mula P114.99 hanggang P144.20 kada litro na dagdag
Kerosene: P12 hanggang P22 kada litro na dagdag o mula P111.99 hanggang P165.79
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, ang pagtaas ng presyo ay dulot pa rin ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Bagamat mas maliit kumpara sa nakaraang linggo, nananatiling malaki ang epekto nito sa transportasyon, industriya, at pang-araw-araw na gastusin ng mga mamayanan.
“Even though it is smaller than last week, this is still a significant jump, considering that it will still affect our transportation industry as well as all industries, as well as the buying power of our households, you know,” ani Garin sa isang pulong balitaan ngayong Martes, Marso 24, 2026.

















