No one is above the law.
Suportado ng PNP sa Bangsamoro Region sa pangunguna ni Regional Director PBGen. Prexy Tanggawohn ang isinasagawang pagtugis ng PRO-11 sa kontrobersyal na anak ng Diyos at tele-evangelist na si Pastor Apollo Quiboloy sa lungsod ng Davao.
Sa inilabas na pahayag ni Tanggawohn sinabi nito na kanila lamang na ipinatutupad ang mandato ng batas bilang alagad nito at ang pagsunod nila sa utos ng korte.
Ani Tanggawohn, mananatili aniya ang kanilang pagsunod sa kanilang prinsipyo na nakasandig sa konstitusyon at nagtitiyak ng hustisya ay walang pinapaboran.
Ramdam din aniya ng hepe ng PROBAR ang dedikasyon ng kapulisan ng PRO-11 sa paggampan ng kanilang tungkulin sa kabila ng mga hamong kinakaharap nito.
Nagpahayag din si Tanggawohn ng suporta sa kabaro nito na si PRO-11 Director PBGen. Nicolas Torre dahil sa matatag nitong liderato.
Naniniwala din ang hepe na si Tanggawohn na sa huli ay mananaig ang hustisya at lalabas din ang totoo dito.
Nananawagan din ito sa mga Davaoeno at mga Pilipino na makiisa sa kanilang panalangin para sa kapayapaan at hustisya.
Kung maalala, kahapon araw ng Linggo ay pinasok ng libo libong pulis ang compound ng KOJC sa Davao City upang ihain ang arrest warrant para sa mga kasong panghahalay at human trafficking laban kay Quiboloy ngunit wala pa ring hibla ng Pastor ang lumilitaw sa mga oras na ito.