Pinagtibay ng International Committee of the Red Cross at ng 90th Infantry (BIGKIS-LAHI) Battalion, 6ID, PA ang kanilang koordinasyon para sa kapayapaan at katatagan sa komunidad, sa pamamagitan ng isang opisyal na pakikipag-ugnayan noong Marso 24, 2026.
Ang pagbisitang ito ay isinagawa bilang pakikiisa ng ICRC sa patuloy na pagsusulong ng kapayapaan at katatagan sa nasasakupan ng nasabing lugar. Layunin nitong palakasin ang ugnayan, koordinasyon, at kooperasyon sa pagitan ng militar at mga humanitarian organizations.
Ayon sa mga opisyal, ang aktibidad ay patunay ng matibay na pakikipagtulungan sa pagitan ng militar at humanitarian groups, habang pinatitibay ang tiwala at aktibong kooperasyon ng iba’t ibang sektor sa komunidad.
Ang ganitong koordinasyon ay inaasahang magdadala sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa lugar.

















