Maipagmamalaki, moderno at mahusay na pook-pagamutan sa Bangsamoro Region.
Yan ang pinagaaralan ngayon ng Ministry of Health- BARMM sa pamamagitan ng pagbuo ng 6 year Hospital Facility Development Plan para sa taong 2025-2030 para mapabuti ang kalalagayan at serbisyong pangkalusugan sa rehiyon.
Popondohan ang naturang modernisasyon sa ilalim ng Bangsamoro Autonomy Act Number 55 at ng General Appropriations Act of 2024 (GAA 2024).
Sumasailalim ngayon ang MOH sa ibat ibang mga pagsasanay, rebyu at mga workshops para masiguro ang maayos na pagpapatupad ng plano ng sa gayon ay maasess o matignan din ang kasalukuyang kalagayan ng mga pagamutan sa rehiyon.
Pinakalayunin nito na makabuo ng maayos na plano para matugunannang serbisyong pangkalusugan sa loob ng anim na taon.
Sa naging mensahe, binigyang diin ni BARMM Health Minister Dr. Jojo Sinolidimg ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagkakabuklod upang makabuo ng maayos na plano para sa modernisasyon ng mga imprastrakturang pangkalusugan sa BARMM.
Nais din ng ministro sa kalusugan na matiyak ang lahat ng Bangsamoro ay may maayos na access to healthcare at di na kailangang bumiyahe pa sa malalayong lugar upang magpaospital.