Aabot sa P17.9 bilyong piso ang ipinondo ng komisyon sa halalan o COMELEC para sa nalalapit na eleksyon sa susunod na taon. Sa naging panayam kay Comelec Spokesperson Atty. Rex Laudiangco, kinabibilangan ito ng mga gagamiting ACM o Automatic Counting Machines, paraphernalia at trainings para sa mga magmamando ng halalan.
Nasa 110,000 na ACM naman ang inaasahang gagamitin sa buong bansa sa gagawing National and Local Elections kabilang na ang magiging halalan sa BARMM.
Tinatayang animnaput walong milyong pilipino naman ang inaasahang makikilahok sa botohan. Kahapon, iprinisenta ng komisyon ang gagamiting ACM na mas user friendly kumpara sa nakaraang VCM.
Isinagawa ang pag-peprisenta kasabay ng dalawang araw na aktibidad ng BARMM Dialogues with Media and CSO na inisiyatiba ng WFP sa lungsod ng Davao.