Dumating na sa gitnang mindanao ang mga bagong kagamitan pandigma ng Philippine Marines na kinabibilangan ng mga Armored Vehicles, Artillery Assets maging Patrol Craft kahapon, araw ng Martes. Ito ay isinakay sa barko at dumaong sa Polloc Port, sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte. Mismong si JTF Central at 6ID Commander MGen. Antonio Nafarette ang nanguna sa seremonyas ng pagdating ng mga kagamitan.
Kabilang sa mga bagong kagamitan ng First Marine Brigade ng PH Marines ay ang dalawang V150, isang V300 FSV (fire support vehicle), tatlong V300 APC ( Armored Personnel Carrier), dalawang SURC (Small Unit Riverine Craft), dalawang 105mm, dalawang 155 Howitzer, isang KLVT (Kia Light Tactical Vehicle) at isang SUAS o Small Unmanned Aircraft System.
Ang mga bagong kagamitan na ito na idineploy sa 1st Marine Brigade Philippine Marines ba magagamit sa pagsisiguro ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang zonang sakop. Maliban sa mga kasangkapan, mayroon ding mga bagong mga deploy na kasapi ng 65th Force Reconnaissance Company, FRG na dumating sa Polloc Port.