Ganap nang deputado o deputized upang mangumpiska ng lisensya at magimpound ng unit ang City Transportation and Traffic Management Center sa lungsod. Ito ang kumpirmasyon ni CTTMC Chief Moin Nul sabay sabi nito na magkakaroon na ng pangil ang kanilang hanay sa pasaway na mga biyahero na lumalabag sa batas trapiko ng lungsod.
Ayon kay Nul, ito ang tugon ng Bangsamoro Land Transportation Office o BLTO sa kanilang mungkahi na mabigyan sila ng deputation o maging deputado sa lansangan.
Paalala ng hepe, anytime ay maaari na nilang ipatupad ang bagong mandato na ibinigay sa kanila ng BLTO. Lubos namang nagpapasalamat si Nul sa BLTO sa naging tugon nito sa kanilang kahilingan.
Samantala, bago matapos ang buwan ng Agosto ay nakatakdang pulungin ni Nul ang mga tricycle drivers sa lungsod para sa eleksyon na gagawin sa mga asosasyon nito.