Tututukan umano ng komisyon sa halalan o COMELEC ang mga insidente ng pamimili ng boto, terorismo, pananakot at iba pa lalo na sa mga gurong magsisilbi sa paparating na halalan.
Sinabi ni COMELEC Spokesperson at EID Director John Rex Laudianco, malaki ang papel at mabigat ang gagampanan na tungkulin ng taong bayan at ng mahigit anim na libong kawani ng COMELEC sa buong bansa para masugpo ito.
Aminado si Laudianco na tanging proseso ng pagbibilang, pagbabasa at pag-iimprinta ng mga balota lang ang kayang gawin ng isang makina at hindi ang mga aktibidad na isinasagawa ng iilang kawani ng komisyon at ng mga guro sa araw mismo ng botohan.
Nagbabala din ito sa mga indibidwal na gagawa ng mga di kaaya-ayang gawain sa mismong araw ng halalan dahil sa loob lamang ng dalawa hanggang tatlong araw ay malalaman naman na ang resulta ng halalan.