Naglabas ng abiso ang Metro Cotabato Water District (MCWD) kaugnay ng patuloy na kakulangan sa suplay ng tubig na dulot ng pansamantalang pagsasara ng Biniruan Bulk Water Supply Plant na pagmamay-ari at pinapatakbo ng Hanabana Water Corp.
Bilang tugon sa sitwasyon, ipatutupad ang sumusunod na iskedyul ng distribusyon ng tubig sa mga apektadong lugar:
Lunes at Miyerkules
8:00 AM – 5:00 PM: Rosary Heights 4
6:00 PM – 10:00 PM: Rosary Heights 5
Martes at Biyernes
8:00 AM – 5:00 PM: Rosary Heights 3
6:00 PM – 10:00 PM: Poblacion MB, Poblacion 2, Poblacion 3, at Poblacion 4
Huwebes at Sabado
8:00 AM – 5:00 PM: Tamontaka 5
Hinihikayat ng MCWD ang mga residente na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga opisyal ng barangay upang masiguro ang maayos at organisadong distribusyon ng tubig.
Pinapayuhan din ang publiko na mag-imbak ng sapat na tubig kung maaari at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng MCWD sa kanilang Facebook page na “MCWD in Action” at “Metro Cotabato WD.”
Samantala, magbubukas ang MCWD ng hydrant services sa harap ng kanilang Main Office para sa mga concessionaire na may kakayahang magdala ng sariling lalagyan ng tubig. Kinakailangan lamang na magpakita ng water bill sa itinalagang staff o guwardiya bilang bahagi ng control measures. Tanging mga kostumer mula sa mga barangay na apektado ng pansamantalang pagsasara ang papayagang makinabang sa serbisyong ito.
Nagpahayag ng pasasalamat ang pamunuan ng MCWD sa patuloy na pasensya, pag-unawa, at suporta ng publiko sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon.

















