Nagkaroon ng courtesy visit kay Abduraof Macacua si Datu Sajid Andre Sinsuat Ampatuan mula sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha.
Batay sa inilabas na impormasyon ng Office of the Chief Minister, tinalakay sa naturang pagbisita ang kahalagahan ng patuloy na ugnayan at kooperasyon ng mga lokal na pamahalaan sa Bangsamoro region.
Ayon sa tanggapan ni Macacua, mahalaga ang pagkakaisa ng mga local government units upang higit na mapalapit sa mamamayan ang mga serbisyong pangkaunlaran, kapayapaan, at iba pang programa ng pamahalaan.
Samantala, nagpahayag naman ng kahandaan ang magkabilang panig na ipagpatuloy ang pagtutulungan para sa pagsusulong ng mas matatag na Bangsamoro region.

















