Maulap ang kalangitan ngayong umaga sa Cotabato City at mga karatig na lugar dahil sa epekto ng localized thunderstorms na patuloy na nakaaapekto sa ilang bahagi ng Mindanao.

Batay sa forecast, makararanas ang mga lugar sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may posibilidad ng mga isolated rainshowers o thunderstorms.

Nagbabala rin ang mga awtoridad sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na maaaring makaranas ng malalakas na thunderstorms.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto lalo na sa mga mabababang lugar at mga komunidad na malapit sa bulubundukin at ilog, habang patuloy na mino-monitor ang lagay ng panahon sa rehiyon.