Apektado ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang katimugang bahagi ng Mindanao, na nagdudulot ng maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan at thunderstorms sa ilang lugar.
Kabilang sa makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Zamboanga Peninsula, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, SOCCSKSARGEN, at Davao Region, kabilang ang Cotabato City.
Sa mga nabanggit na lugar, posible ang biglaang pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan.
Samantala, ang natitirang bahagi ng Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o thunderstorms na dulot naman ng Easterlies.
Nagbabala ang mga awtoridad na posible pa rin ang flash floods o landslides sa oras ng malalakas na thunderstorm sa mga apektadong lugar, kaya hinihikayat ang publiko na manatiling alerto at maging handa sa pabago-bagong panahon.

















