Kinilala sa dalawang araw na dialogo sa pagitan ng BARMM Government, COMELEC at mga grupong sibil sosiedad ang mahalagang gampanin at papel ng mga mamamahayag at mga Information Officers para sa Eleksyon 2025.
Sa naging dalawang araw na sesyon na isinagawa sa lungsod ng Davao ngayong linggo, binigyang diin ng mga naimbitahan na tagapagsalita ang kahalagahan ng pagbibigay impormasyon ng mga mamamahayag sa taumbayan sa paparating na eleksyon 2025.
Una ring inisa isa ang mga dapat at di dapat na gawin ng mga mamamahayag sa darating na halalan upang mabigyang proteksyon ang kanilang mga sarili sa mga banta o anumang uri ng mga gawaing masama.
Sa mensahe ng premyado at multi-awarded na mamamahayag na si Ed Lingao, sinabi nito na dapat maging maalam at ugaliing magkaroon ng sapat na ideya bago sumabak at sumali sa naturang pagtitipon.
Ang pabara-barang mga kilos ng ibang mamamahayag ang nagiging dahilan upang sumabit ito o madisgrasya sa gitna ng ginagawang tungkulin.
Isinapubliko din ng COMELEC ang kanilang bago na Automated Counting Machine o ACM na gagamitin sa pagbilang ng mga boto ng bawat kandidato.
Unang itinuro ng komisyon sa mga mamamahayag ang paraan ng paggamit ng ACM at kung ano ang new features nito.
Naging mabunga at malaganap naman ang diskusyon sa loob ng dalawang araw.
Ang naturang dialogo ay pinangunahan ng mga kinatawan mula sa Westminster Foundation for Democracy at Participate BARMM.