Sumuko sa 57th IB ang labindalawang mga kasapi ng rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters Karialan Faction kahapon sa Edwards Camp, Mirab sa bayan ng Upi, Maguindanao Norte.
Kasamang isinuko ng mga ito ang iba’t-ibang armas, bala at mga materyales. Ayon kay 57th IB Acting Commanding Officer LTC Aeron Gumabao, ang pagsuko na ito ng mga kasapi ng BIFF ay isang hudyat at pagpapakita ng determinasyon at walang kasawaang pagsisikap ng militar sa pagkamit ng positibong resulta.
Worthwhile milestone para sa kanila ang pagsuko ng mga ito kasabay ang pagpapatuloy na pagabot at pagkamit ng kaayusan sa rehiyon.
Samantala, nagpabatid naman si 602nd IB Commander BGen Michael Santos kaugnay sa pagbibigay prayoridad sa kapayapaan at pagkakabati.
Ang mga sumukong BIFF Members ay nasa pangangalaga na ng 57th IB para sa debriefing process at pagsasailalim sa ECLIP program habang ang mga isinukong armas ay ihahabilin sa batallion headquarters.