Nasakote sa isinagawang Seaport Interdiction Operations ng PDEA Sulu at Sulu Police ang 13.6 milyong halaga ng shabu na ipupuslit habang dalawang high-value drug personalities naman ang nahuli sa Barangay Tandy Bato, Luuk, Sulu ngayong Sabado.
Nakuha sa dalawa ang 21 piraso na heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng suspetsadong shabu na may bigat na 2000 gramo at may presyong aabot sa 13.6 na milyong piso maging mga ID cards.
Kinilala ang mga suspek na sina Lala Jamih Halisan alyas Ben at Alwinir Kabran. Nasa kustodiya na ng Indanan MPS ang mga suspek at mahaharap sa kasong may kinalaman sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinapurihan naman ni PDEA BARMM Director Gil Castro ang mga autoridad na nakasakote at nakaaresto sa mga indibidual na maaring makasira sa buhay ng mga kabataang gumagamit ng ipinagbabawal na droga.