Bumuhos ang malakas na ulan nitong Huwebes ng gabi sa Cotabato City kasabay ng localized thunderstorms na nakaaapekto sa ilang bahagi ng Bangsamoro region.
Batay sa weather outlook para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM, inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat dulot ng localized thunderstorms.
Nagbabala rin ang mga awtoridad sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga mabababang lugar at landslide-prone areas dahil sa matinding buhos ng ulan.
Pinapayuhan naman ang publiko na manatiling alerto at mag-ingat lalo na ang mga motorista at residenteng malapit sa ilog at bulubunduking lugar.

















