Ganap nang isang bagyo ang LPA matapos itong lumakas bilang Tropical Depression. Pinangalanan itong si Bagyong Enteng.
Ayon sa Pagasa, huli itong namataan kahapon ng umaga sa layong 120 km North, Northeast ng Borongan City, Eastern Samar o 150 km Silangan ng Catarman Northern Samar.
Taglay umano nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45km/h malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 55km/h habang nakilos ito pahilagang kanluran sa bilis na 30km/h.
Sa ngayon, nararanasan na ang TCW Signal 1 sa mga lugar sa Luzon at Visayas. Sa iba pang updates, lagi lang tumutok sa 93.7 Star FM Cotabato at DOST Pagasa Facebook Pages.