Hindi porket siya ang [seating] Chief Minister ay habang buhay na siyang nakaupo sa pwesto at ang posisyon na Chief Minister ay para sa lahat ng nagnanais dito.
Ito ang sinabi ni MBHTE Minister at United Bangsamoro Justice Party VP Mohagher Iqbal sa mga haka hakang mapapalitan na si BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim sa pwesto at ang ipapalit dito ay si Maguindanao Norte Governor Sammy Gambar Macacua.
Ayon kay Iqbal, tanging parliamento lamang ang maaring makapagdesisyon kung mapapalitan o hindi ang isang Chief Minister.
41 lamang ang kailangan ng isang partido upang mapalitan o maihalal muli ang isang Chief Minister.
Dagdag pa ni Iqbal, kung mapapalitan man si Ebrahim ni Macacua, ito ay bunga ng kanilang masinsinang paguusap bilang isang partido.
Kung kaya’t nakiusap si Iqbal na suportahan ang UBJP dahil kung makuha nila ang mayorya ng MP’s sa parliamento, sila ang maaring makapamili ng kunsinong ihahalal bilang punong ministro ng rehiyon.